Ipinapaalam sa lahat na opisyal nang inilabas ang iskedyul ng UCCAT 3rd Batch - South Campus. Nakapaloob dito ang room assignment, petsa at oras ng pagsusulit.
Narito ang OPISYAL NA ISKEDYUL at LISTAHAN NG MGA PANGALAN ng mga Examinees:
https://drive.google.com/drive/folders/1pDp1GMS1K_6uZh8S551_kkJIPNPFg32Q?usp=sharing
Mahigpit na hinihikayat ang lahat ng aplikante na suriing mabuti ang kanilang nakatalagang iskedyul at dumating ng mas maaga sa itinakdang oras ng pagsusulit.
Mga kinakailangang dalhin sa araw ng pagsusulit:
- Mongol No. 1 o No. 2 na lapis lamang
- Any government-issued VALID ID o School ID
- Biskwit at inuming tubig
- Exam permit o resibo (para sa mga nakakuha)
Paalala:
Mahigpit na ipatutupad ang mga patakaran sa loob ng silid-pagsusulit. Ang sinumang aplikanteng hindi makapagdala ng kumpletong kinakailangang gamit ay maaaring hindi pahintulutang makapasok.
Ang sinumang hindi dumating sa nakatakdang araw at oras ng pagsusulit ay hindi na pahihintulutang makakuha ng entrance exam.
Para sa karagdagang anunsyo at mahahalagang paalala, mangyaring manatiling nakaantabay sa opisyal na Facebook Page ng University of Caloocan City (UCC).
#BeWISE
#UniversityOfCaloocanCity