Handa na po ang University of Caloocan City na tanggapin ang bagong batch ng mga Batang Kankaloo na nais maging UCCian. 

Para sa mga nais mag-apply, bisitan lamang po ang link na ito:

https://aims.ucc-caloocan.edu.ph/ucc/applicants/ 

Tatanggap po ng aplikasyon ang UCC simula March 3 hanggang April 15, 2025. 

Mga Batang Kankaloo, noong konsehal pa lamang ako, nagpasa ako ng ordinansa upang maging libre ang tuition fee sa UCC nang sa gayon ay mas maraming kabataan ang makinabang. Gayunman, upang mapanatili ang mataas na kalidad ng edukasyon ng UCC, kailangan po natin isagawa ang mga ganitong entrace exam. 

Ngunit tinitiyak ko po sa inyo, walang palakasan ang pagpasok sa ating unibersidad dahil ang nais ko ay mabigyan ng pantay-pantay na oportunidad ang mga deserving na Batang Kankaloo. 

Maliban sa ginawa nating libre ang tuition fee, pinaganda at inayos po natin ang UCC mula sa dating bulok at sira-sirang estado nito kasabay ng pagpapataas natin sa kalidad ng edukasyon sa ating unibersidad para sa inyo. 

#AksyonAtMalasakit