Maligayang pagbati sa mga bagong UCCians!
Ang inyong pagpasa sa UCCAT 2026 ay patunay ng inyong pagsusumikap at dedikasyon. Malugod namin kayong tinatanggap sa University of Caloocan City (UCC) at inaasahan namin ang mga kahanga-hangang tagumpay na inyong makakamit bilang bahagi ng unibersidad at ng mas malawak na komunidad ng UCC.
Naririto ang listahan ng mga pangalan ng 1st Batch Passers:
Ang mga estudyanteng nakapasa sa UCCAT 2026 ay maaari nang magpatuloy sa PRE-ENROLLMENT
MGA ALITUNTUNIN SA PRE-ENROLLMENT
- Pre-Enrollment Schedule: January 5 to 9, 2026 at January 12 to 16, 2026
- Time: 8:00 AM to 5:00 PM
Step 1: Magtungo sa Admissions Office at kuhanin ang inyong Passer Slip.
North Campus: UCC - Congressional Extension Campus, Office of the Registrar
South Campus: UCC - South Campus, Biglang Awa, Office of the Registrar
Step 2: Tiyaking napunan ng maayos ang PRE-ENROLLMENT UNDERTAKING FORM.
- Pre-Enrollment Undertaking Form: https://drive.google.com/file/d/1d_2e-SiRVeTnUUPdfz7-8vOwNFrqBLtB/view?usp=sharing
Step 3: Ipasa ang mga sumusunod na dokumento sa Registrar’s Office:
North Campus: UCC - Congressional Extension Campus, Office of the Registrar
South Campus: UCC - South Campus, Biglang Awa, Office of the Registrar
- Pre-Enrollment Undertaking Form
- Photocopy ng Grade 11 Report Card
- Photocopy ng Birth Certificate
- Photocopy ng Isa (1) sa mga sumusunod bilang Patunay ng Paninirahan:
- PhilSys ID of the Student (Caloocan Address)
- Voter’s ID o Voter’s Certificate, o
- Voter’s ID o Voter’s Certificate ng magulang, o
- Diploma sa Elementarya o High School
Step 4: Kapag kumpleto na ang lahat ng dokumento, maghintay ng opisyal na anunsyo hinggil sa Final Screening.
Mapapawalang Bisa kung hindi makakapagsumite ng mga kinakailangang dokumento sa itinakdang PRE-ENROLLMENT SCHEDULE.
Samantala, ang mga nakaranas ng technical error sa pagsusumite at pagbabayad ng entrance exam para sa ikalawang batch ay mangyaring pumunta sa Admissions Office ng January 5 to 9, 2026.
Ang 2ND BATCH ENTRANCE EXAMINATION ay gaganapin mula January 12 to 16, 2026.
PAALALA: Ang mga hindi nakapasa sa first batch ay ilalagay sa waitlisted applicants. Ito ay iaanunsyo matapos makumpleto ang paglalabas ng resulta hanggang March 2026. Mangyaring hintayin lamang ang opisyal na anunsyo mula sa University of Caloocan City Facebook Page.