Sa patuloy na paghubog ng kaalaman, kakayahan, at pangarap ng bawat Batang Kankaloo, abangan ang pagbubukas ng University of Caloocan City - College of Allied Health Sciences, ang ikaapat na extension campus ng unibersidad.
Ang bagong kolehiyo ay sumasalamin sa malinaw na bisyon ng pamahalaang lungsod at ng unibersidad: ang magbigay ng dekalidad, inklusibo, at libreng edukasyon para sa mga mag-aaral na handang maglingkod sa komunidad.
Kasama ang Caloocan City Engineering Department, bumisita ang mga opisyales ng Unibersidad sa pamumuno ng University of Caloocan City Officer-in-Charge, Atty. Jared Nas, upang personal na makita at masuri ang progreso ng mga pasilidad. Ang pagbisitang ito ay patunay ng aktibong pangangasiwa at malasakit ng pamunuan sa patuloy na pag-unlad ng imprastraktura para sa kapakinabangan ng bawat mag-aaral.
Sa pamamagitan ng matibay na pundasyon ng kalidad na edukasyon at responsableng pamumuno ng Chairman of the Board of Regents, Hon. Dale Gonzalo Malapitan, patuloy na isinusulong ng University of Caloocan City ang paghubog ng mga kabataang hindi lamang mahusay sa kani-kanilang propesyon, kundi may pusong handang maglingkod at may malasakit sa kapwa.
#BeWISE
#UniversityOfCaloocanCity